Syempre nung nakaraang Oct. 2, kahit pancit habhab lang ang handa namin ng asawa ko ay naka-apat na taon na kaming mag-asawa sa mata ng diyos at tao. Di man kami nakapagselebrayte ng sobra eh nangako ulit kami sa isat-isa ng walang hanggang pagmamahalan. Sa katunayan ay plano na talaga naming sundan si ZIE o Manong Driver. hehe!
Pangalawa – Apat sa binoto ko sa nakaraang Project Lafftrip ni kuya Badoodles ay nanalo. Patunay lang na may taste akong pumili ng mga blog. FYI lng pow, Ng sumali me sa Project Lafftrip isang buwang pa lang ulit ako nakakabalik sa pag-ba-blog at mga isa o 2 entry pa lang ang nabasa ko sa mga blog nila. Check nyo na lang yung link ko sa kaliwa. <—————….. Na -congrats ko na sina Greenpinoy,Mr_D at Kokey Monster. Ngunit sa di ko maintindihang rason di ako makapunta kay Maru. Ewan ko ba tuwing bubuksan ko ang website nya ay parang nawawala ang koneksyon ko sa NET. May virus ba website mo Ate Maru???. Kung naligaw ka dito sa blog ko. CONGRATS sa pagkakapanalo mow!
Lastly, Sa sobrang pagmamahal ng asawa ko sakin ay niregaluhan nya ako ng PSP bilang annibersary gift nya. Galante nya noh! Yahoo! may kalaro na DS namin. hehe! At mga tatlong araw lang naman akong bitin ang tulog dahil sa kakalaro! hehe!




