Archive for the 'Teknolohiya' Category

13
Sep
08

Istoryang Teknikal – Ang buhay sa Kol Senter

Nagsimula akong magtrabaho sa kol senter mahigit isang taon na ang nakaraan. Nalinya ako sa teknikal na programa dahil na rin sa karanasan ko sa komputer at pagkaroon ko ng internet shop. Marami na akong nakausap na banyaga at nais kong ikwento ang mga karanasang ito.

Circa 2007 – Buwan ng agosto – Nasa Dell Technical Account pa ako noon. Unang sabak ko sa pakikipag inglesan at syempre nose bleed ako dahil mga amerkano kausap ko. Isang linggo pa lang ako sa floor non ay sinabi ko sa asawa ko na di ko linya ang ganitong buhay. Isipin mo makipag-usap ka ng inglesan sa loob ng 3 oras na di ka makaihi at di mo alam ang gagawin mo. Pede naman pala i-hold si customer di ko lang alam. Paguwing paguwi ko mangiyak-ngiyak na ako sa asawa ko. hehe! Meron pang isang babaeng sobrang kups ika-nga, na may problema sya sa computer pero wala syang ginawa kundi ang magsalita ng masasama halos di na ko nakasingit sa kanya dahil paulit-ulit nyang sinasabi na “Do your job” Eh engot pala sya eh kya nga kausap nya ko kasi I’m doing my job to talk to her dba? So nag hung up si gaga.

Meron din namang nakakataba ng puso, andyan yung kostomer na sasabihan ka na “l’ll put this things to the hands of GOD” wow ayus he save my soul already. Andyan din yung German national na halos isang oras ko ng kausap at na resolba yung problema nya ng di ko namalayan at sasabihan ka ng “If I see you, I’ll give you a HUG” wow ano ako pillow or talagang may pagkabakla lang sila ng konti. hehe!

Di ko na maalala yung ibang pang karanasan ko sa DELL pero ngayung nasa ADSL account na ko, Canadian Customers sobrang bait nila kumpara sa Amerkano, Makakakuha ka ng kups na kostomer malamang foreigner sya sa Canada. Masarap ang buhay ko ngayun compared noon dahil natuto ako sa buhay kung noon kung kelan ko lang gustong magtrabaho sa Inet shop ko ngayun ay di na pede, kahit puyat ka pa ay kailangan kang pumasok. Tapos may mga out of town layas pa dahil sa Team Bldg fund.

Ano nga ba ang nagagawa ng trabahong ito sa mga Filipino, malaking tulong ito dahil nga sa kawalan ng kwenta ng gobyernong mapaunlad ang Pilipinas ay naisalba tau ng Industriya ng Kol Senter. Marahil kung walang Kol Senter sa Pinas ay iba ang naging trabaho ko pedeng Kol Boy. dba? Pag may nagtanong sau “Pare san ka ng work?, sa kol senter pare. Anong ginagawa mo dun? , Naghihintay ng tawag ng kliyente. – Di halata dba?

May mga haka-haka na pag daw nanalo si OBAMA ay ibabalik nya ang trabaho sa Amerika, ayaw nya yata ng Outsourcing. Anak ng, Feeling nya siguro puti na ang balat nya, Ngunit sa aking palagay ay di matutuloy ang pangarap nya kung manalo man sya. Bakit – Una, mahal magpasweldo sa Amerika at Canada, isang oras nilang sweldo ay isang araw na namin dito. Pangalawa – Bihira sa kanila ang nais makipag-daldalan ng 3 oras sa telepono. Pangatlo – kahit ingles ang pagkakagawa ng komputer ay takot silang pakialaman ito dahil akala nila ay sobra itong komplikado. Kaya malamang ang iboboto ng mga Filipino ay si Mc Cain.

Wala akong plano kung hanggang kailan ako dito. Ang alam ko lang ay nagtatrabaho ako para sa pamilya ko.