Archive for the 'Sunod na Tigil' Category

18
Sep
08

Sunod na Tigil: Palmeras Garden Restaurant

Palmeras Garden Restaurant

Matagal-tagal na kaming di nakalayas ng pamilya ko at kamaikailan ay nabigyan kami ng pagkakataon na makalayas ng Libre. Kaarawan ng Tita ko na kapatid ng Tatay ko at naimbitahan kami sa Palmeras Garden dito rin sa San Pablo, Laguna. Simula sa bahay namin ay nagdrive ako ng mga 300-350 segundo o mga 5 minuto. Kung papunta kayo ng Lucena o kaya’y Bicol at naghahanap kayo ng isang masarap at maaliwalas na kainan. Nirerekomenda ko ang kainang Palmeras ng San Pablo. Siguro ay mga KM. 80 sya mula Maynila.

Narito ang mga dahilan kung bakit ko nirerekomenda itong restaurant na ito. Una – Kung garden/nature trip ang gusto nyo tamang-tama ang lugar na ito. Pangalawa – Sobrang sarap ng pagkain dito gaya ng Pancit Canton at Litson kawali na naka isang buo yata ako. Pangatlo – Kababata at kapitbahay ko ang may-ari nito at take note nung unang panahon na hindi pa uso ang DDD sa telepono ay sila ang ka party-line namin. Dahilan upang mag-away kami dahil sa pakikinig sa bawat isa habang may-kausap sa kabilang linya. Andyan pa yung binabato ko yung gate nila pag gabi pag nalamang kong nakikinig sila sa pakikipag-usap ko.

At eto iba pang kuha ko at ng asawa ko.

Kaya’t kung nature trip ang hanap habang naglalakbay. At nakaramdam ng gutom. Tigil na sa Palmeras Garden Restaurant.

Kung nais malaman ang buong detalye kung paano makarating dito ay maki-pagugnayan lamang sakin at handa ko kayong tulungang ubusin ang pagkain na oorderin nyo. Aight!