Archive for the 'Libangan' Category

09
Sep
08

Ano ba talaga PSP o 19″ Wide Screen LCD

Nalalapit na ang Pasko at syempre panahon ng paggastos. Ng nagkaroon ako ng bagong set ng CPU ay ginamit ko ang tatlong taong gulang kong CRT monitor.  Malufet kong pinag-aralan ang mga specs na laman ng computer ko. Gaya ng 2.4 GHZ na processor at 2GB na kingston na memory idagdag pa ang 512MB na video card. At syempre kumpleto pa sya ng PLDT myDSL service.

Makaraan ang isang buwan naawa ako sa aking CPU dahil kung iisiipin mo ay parang syang isang magandang lalaki o babae na may syotang oldies. Dun ko napagisipan na siguro ay panahon na para makaranas naman gumamit ng bagong monitor o Flat panel.

Nagtingin-tingin ako sa mga computer store at TipidPC kung anong pinakamurang LCD at nalaman ko ang isang brand na di kilala at mukang maayos namang ang specs dahil bukod sa may website sya complete with brochure pa. At ito ang hitsura nya. P 1,000 cheaper than leading brands.

 

 

Noong nakaraang taon mga Oct. Naisipan kong bumili ng Nintendo DS dahil na rin sa pag-kainggit ko sa aking mga katrabaho, tatlo sa kanila ay mahilig maglaro ng Mario Kart thru Wi-FI network. Sa sobrang inggit ko ay napabili tuloy ako ng DS at 2 pa sa mga kasamahan ko ang nakigaya at nainggit din. Ngunit ngayun ay ang asawa ko naman ang walang sawang gumagamit ng 1 year old naming gadyet. 

Umugong ang balitang may reunion concert ang E-heads sa nakaraang dalawang buwang at natuloy nga ang nasabing concert sa fort bonifacio noong August 30. At sa isang di inaasang pangyayari natigil pagkatapos ng first set dahil sa pangalawang pagkakataon ay kinailangan isugod ang frontman ng E-heads na si Ely Buendia sa ospital dahil sa baradong puso. Marahil ay nagtataka ka ba kung bakit naging E-heads ang tema?. Okay, Ganito kasi ang nangyari, dahil sa biglaan ang concert at naiba ang sponsor na dating Philip Morris ay naging MTV, hindi nakapaglaan ng pera ang katrabaho ko pambili ng ticket ng concert. Yun din ang pagkakataon ko upang tulungan sya para makapanood at pinahiram ko sya ng perang pambili ng ticket kapalit ang PSP nya. Galing ng koneksyon noh, from E-heads to PSP.

Sa tatlong araw kong paggamit sa gaming console ay medyo nabaliw ako sa ganda ng graphics at sa lufet ng menu plus a 3.0 inch LCD screen with joystick pa. Kaya ayun nalito tuloy ako kung anong pagiipunan ko sa dalawng teknolohiyang nakakalaway. Take NOTE:  yung nasa taas ang gusto kong kulay. Ano sa palagay nyo? Kelangan na bang mag retire ng 15 inch CRT monitor o gusto na ng kalaro ng Nintendo DS ko?.