Author Archive for Marc

29
Dec
08

Blagging

Sa loob ng 2 buwang pamamahinga ay marami ng ngyari sa buhay ng isang blogger, nariyan ang sobrang kati ng kamay ng ilan na hindi makatiis sa loob ng isang araw na walang nailalatha sa kanyang blog. Yung iba naman ay namangiha rin siguro upang paghandaan ang ber months. Mahigit isang buwan kong hindi binuksan ang wordpress blog ko at ngayung araw lang na ito ay nagulat ako sa aking nakita, mukang naligaw ako ng blog sa kadahilanang iba na pala ang histura ng dashboard ng wordpress. Inabot ako ng 5 minuto upang isipin kung papano ulit mag-post. Di naman namahinga ang mga kamay ko sa paghawak ng keyboard dahil sa pang-araw-araw ko na trabaho, este gabi-gabi pala ay computer din ang kaharap ko upang i-dokumento ang problema ng isang canadian tungkol sa kanyang internet.

Simula ng maintindihan ko ang ibig sabing ng blog o weblog naenganyo akong subukan ito dahil mahilig akong makiuso ay inumpisan ko ang blog ko sa blogger, at ang blog ko sa wordpress ay ang pangatlong account ko na yata. Sa loob ng dalawang buwan ay di ko naalala ang blog na ito marahil kung makakapagsalita lang siya ay sasabihin niyang sino ba tong pindot ng pindot sa keybaord at kung ano-anong painsasasabi sa blog. May mga konting ngyari sa buhay ko gaya ng maging ADIK sa facebook sa paglalaro ng MOB WARS at maghanap ng itlog sa ibat-ibang profile . Gamitin ang PSP hanggang maubos ang kuko. At ang maubusan ng baleen (score namin sa trabaho. 1 absent = -4 baleen score) na siguro ay 0 or Negative na sya sa kadahilanang mahilig akong ma-late at umabsent sa trabaho dahil laging nami-miss ang pamilya ko.

Isang dahilan upang maisip ko muling magblog ay una, dahil may ng comment sakin na 3-5 kaibigan na hindi ko pa nakikita at nagsabing babalik ka rin. May isa pang nakuhang bumalik at mag-komento at nagsabing wala pa ring tao?. Sa inyong lahat, Taos Puson este puso ko kayong pinasasalamatan sa patuloy na pag bisita kahit 10 lng ang stats ko per day. Hehe.

Pangalawa, may goal ako ngayun sa buhay na ika nga ay make or break. Kapag natuloy ang plano kong ito ay bibigyan ko kayong lahat ng regalo at mag-email lamang ng inyong pangalan at address sa aking contact informations.

Pangatlo habang ako’y naglalaba ay naisip ko na kahit one entry per week lang ay masaya na ko. :)

Muli ako po si Marc kasama ng ilang milyong kuto sa ulo ko ay nagpapasalamat sa lahat ng bumisita at nagbasa ng mga walang kwentang entry ko dito.

Bumabati sa inyo ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.!