Ilang araw ng magulo ang isip ko tungkol sa blog ko. Wala naman akong problema sa dahil masaya naman ang buhay ko sa pamilya ko. Ilang beses ko lang naisip kung para ba talaga sakin ang pag-bla blog. Simula ng nakahawak ako ng sariling PSP ay parang tumigil na ang utak ko sa pag-ba-blog at nagiisip na tigilan na ang isang bagay na mahal ko ngunit di ko mapanindigan.
Ilan sa mga bagay na kinunsedera ko ay ang pagtigil ng utak ko sa pag-iisip ng mga bagay bagay na makakapagpalipas ng oras ng mga kapwa blogger at mga taong naliligaw sa mundo ng internet.
Pangalawa di ko mapantayan ang galing sa pag ba-blog ng mga beteranong blogger gaya nina kuya badoodles,Pedro,kokeymonster,maru,si green pinoy at mr_d na bigla na lang nawala sa mundo pagkatapos manalo sa lafftrip, popoyinosentes at marami pang iba.
Ikatlo wala na akong pambayad sa internet (joke lng po) Sobrang busy lang talaga sa trabaho at pamilya.
At ang pinakahuli mas madali ang magkomento kesa mag-isip ng entry. hehe!
Maraming Salamat sa lahat ng nakilala ko dito sa blogging world. Di ko alam kung babalik pa ako.
Kaya nga hiya-tus.





natawa naman ako dahil sinama mo pa ako sa mga beteranong blogger.
wala akong kwentang blogger pede pa hahaha.
aba aba balik lang ng balik kapag naisipang bumalik. hahanapin mo din ang blogging. magsasawa ka din kakaPSP hehehe
babalik ka!!!! hehe.. weh ano kung di mo mapantayan ang galing ng mga beterano…. masarap pa ring mag blog!!!! cheers…. hihintayin ko ang muli mong pagbabalik.. -glesy the great;p
wala pa ring tao!!!!????
uy! ito naman ang bilis magtampo balik ka agad pwede naman isang entry isang buwan di ba! he.he.he.
Sayang ang talent wag sayangin!
sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!
wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..
dahil Birthday ni Papa Jesus!!!
HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
cheers;p-glesy the great