Bayag – in english Scrotum (tama ba ispeling?) Gabok/Alikabok – in English Dust.
Kagabi habang pauwi kami ng family ko galing Maynila. Yung pinsan kong lalaki na isang binata ay nagkwento ng expirensya niyang away sa Bay, Laguna.
Mga 2 linggo na ang nakakaraan ay nagpunta sila ng Magulang nya sa South Supermarket upang mamili ng groceries. Dahil sa mainipin ang pinsan kong ito ay nagdesisyon siyang humiwalay sa kanyang magulang at mag-ikot sa South Supermarket. (Para lang idescribe si pinsan sya ay 40+ anyos, 5′6″-5′9″ ang taas at mga 200lbs siguro ang timbang at isang mabait na pinsan.) Balik tayo sa kwento.
Dahil nga walang asawa ay natural sa kanya ang lumingon sa mga babaeng magaganda. Sa aking pagkakakilala di naman sya talaga nambabastos ng babae bagkus ay mahilig lang talaga syang humanga sa mga ito. Hanggang isang babae ang naispatan nya at sinabihan niya ng “Hi, Are from the Philippines?”. Di na nya nadescribe yung itsura ng babae siguro ay mukang balikbayan ito kya ingles ang mga linyang binitawan nya at bigla na lang daw umalis ang babae.
Makaraan ang ilang sandali habang kumakain ang pinsan ko ay narinig nyang may nagsasalita sa likod nya na isang babae at sinabing yun ang nambastos sakin. Pagharap ng pinsan ko ay bigla na lng syang sinalubong ng isang suntok galing sa di kilalang lalaki saba’y’ tadyak ng isang pang binatilyo na may taas na 5′9″.
Kahit ganun kalaki ang katawan ng pinsan ko ay kumaripas daw sya ng takbo at sa loob ng 5 minuto ay naka isang kilometro ang natakbo nya habang hinahabol sya ng 2 kalalakihan. Ng marating nya ang isang kainin ay dali-dali itong pumasok at hinanap ang manager ng nasabing kainan at nagtago sa likod ng guwardya ang pinsan ko. Tinawagan ng manager ang tiyo ko na tatay nya at humantong ang lahat sa presinto.
Nag-usap ang magkabilang panig kaharap ang mga pulis at duon nila nalaman na ang lalaking sumuntok ay asawa pala ng babae at yung binatilyo ay anak nila. Inalam ng tiyo ko ang mga pangyayari at tinanong pa kung anong ginawa ng pinsan ko. At nalaman nilang nag ” Hi ” lang naman talaga ang pinsan ko. Humingi ng paumanhin ang tiyo ko na tinanggihan naman ng kabilang panig at nilisan na nila ang istasyon ng pulis.
Asan ang Bayag na Gabok sa kwento? Ayon sa aking pinsan, Sa laki ng katawan nya at tanda na nya ay duon lang daw nya napantantya na ang bayag nya ay gabok.Tinanong ng ermats ko kung anong ibig sabihin nito, simple lng DUWAG daw sya pero hindi sya bakla. Hehe. Inihalintulad nya ang bayag sya sa isang alikabok o gabok kung tawagin dito sa aming probinsya dahil ang gabok ay isang ihip lang ng hangin ay mabilis na nawawala at ganun din daw kabilis nawala ang bayag nya ng masuntok siya at kumaripas ng takbo, kasunod nito ay ang walang katapusan na tawanan sa loob ng Van at ng tinanong namin kung medyo masakit ba ang pagkakasuntok ay di naman daw.
Sa aking palagay ay tama pa rin ang ginawang pagtakbo ng pinsan ko dahil di lahat ng matapang sa mundo ay nagtatagal. Mas mabuting umiwas sa gulo kesa harapin ito. Maari namang pag-usapang ang lahat diba?. Hindi dapat dinadaan sa init ng ulo. Kaya’t sa lalaking seloso na sumapak sa pinsan ko, cool ka lang brother. Di naman hinipuan o sinabihan ng bastos ang asawa mo, dapat nga proud ka pa at marami ang humahanga sa asawa mo. Kung ayaw mong may pumansin sa asawa mo ay wag mo na lang syang ilabas at itago mo na lang sa kahon.
Kaya kayo dyan, isa ka bang taong may Bayag na Gabok o Taong may Bayag na tattoo?





Valid ba ang pagkakaroon ng Scrotum na mabuhok???
Wahahahaha
bayag na tattoo?
hhaha
may tattoo ang bayag..
natawa ako sa pinsan mo.. lol