Archive for October, 2008

15
Oct
08

Hiya-tus

Ilang araw ng magulo ang isip ko tungkol sa blog ko. Wala naman akong problema sa dahil masaya naman ang buhay ko sa pamilya ko. Ilang beses ko lang naisip kung para ba talaga sakin ang pag-bla blog. Simula ng nakahawak ako ng sariling PSP ay parang tumigil na ang utak ko sa pag-ba-blog at nagiisip na tigilan na ang isang bagay na mahal ko ngunit di ko mapanindigan. 

Ilan sa mga bagay na kinunsedera ko ay ang pagtigil ng utak ko sa pag-iisip ng mga bagay bagay na makakapagpalipas ng oras ng mga kapwa blogger at mga taong naliligaw sa mundo ng internet.

Pangalawa di ko mapantayan ang galing sa pag ba-blog ng mga beteranong blogger gaya nina kuya badoodles,Pedro,kokeymonster,maru,si green pinoy at mr_d na bigla na lang nawala sa mundo pagkatapos manalo sa lafftrip, popoyinosentes at marami pang iba.

Ikatlo wala na akong pambayad sa internet (joke lng po) Sobrang busy lang talaga sa trabaho at pamilya.

At ang pinakahuli mas madali ang magkomento kesa mag-isip ng entry. hehe!

Maraming Salamat sa lahat ng nakilala ko dito sa blogging world. Di ko alam kung babalik pa ako. 

Kaya nga hiya-tus.