Google Chrome:
Kamakailan naglabas ang google ng sarili nilang bersyon ng browser na tinawag nilang Google Chrome. Nalaman ko ang balitang ito kay YUGA. Dali-dali kong dinownload ang programa at sinubukan. Base sa google ito na raw marahil ang pinaka-mabilis na browser sa balat ng lupa. Base sa paggamit ko masasabi kong itong isang katotohanan.
Maganda syang gamitin dahil kahit mabagal ang komputer na gamit ko dito sa maynila ay mabilis lumabas ang programang ito. Kung inyong titingnan ang larawan, di nila kinargahan ng maraming pindutan o menu sa taas upang mapabilis ang pagbukas nito. Kung iyong iisipin, di naman madalas gamitin ang mga butones sa taas ng IE7 at Firefox kaya naisip nila ang konseptong ganito na bawasan ang option menu. Mga mahahalagang bagay lang ang inilagay nila. At halos pede ka ng di mag Full screen dahil nga maluwang ang espasyo ng nilalabasan ng website.
At sa kadahilanang ito’y isang bagong programa, asahan mo na ang mga problema na maaari mong ireport sa google. Nag check ako sa entry ni Yuga kamailan upang basahin ang komento ng mga pilipinong gumamit ng Google Chrome, yung iba nagkaproblema at yung iba naman ay hindi. Sa akin ang naging problema ko lang ay minsan ngkakaron ng error at nag shutdown sya mag-isa.
Sa kabuuang nasiyahan ako sa kanya dahil sabi ko nga mas mabilis siyang mag-load (hindi load sa cellphone ha) at mas malaki ang viewable screen nya at bihira ang pop ups. Hintayin na lang natin ang mga susunod pang bersyon nito na sa tingin ko ay error free.
MAC Boot Camp:
Nung isang gabii habang kausap ko ang isang canadian client namin sa trabaho nag setup kami ng wireless connections sa komputer nya. Sabi nya meron daw syang isang komputer at ang OS nito ay MAC OS X at Windows Vista. Sabi ko dalawa po ba ang komputer nyo. Sabi nya MAC laptop lang. Sosyal naka MAC laptop ang matandang lalaki na di pa ganong pamilyar sa komputer dahil sa paghahanap lang ng IE7 at Safari browser ay inabot na kami ng ilang minuto.
Duon ko nalaman na boot camp pala ng programang ginagamit nya sa MAC OS X laptop nya para maka-pag run ng Windows XP or Vista. Ayon sa website ng Mansanas, ginawa nila ito upang magamit sa isang MAC computer ang mga programa na di naa-ayon sa MAC OS. Cool, dahil pede mong ma view ang Windows OS sa isang Window sa loob ng MAC OS.
Sa nakalipas na tatlongpung taon, Mahigpit na magkaribal ang Microsoft ni Bill Gates at Apple/Machintosh ni Steve Jobs. Kung napanood nyo ang “Pirates of Silicon Valley” (di sya prequel ng Pirates of the Carrebean) patungkol sya sa kumpangyang Microsoft at Apple kung pano pinirata ng Apple ang teknolohiya ng Xerox na “Mouse” at pinirata naman ng Microsoft sa Apple. Marahil ay napaisip ka dahil ang akala mo siguro ay Apple o Microsoft ang naka diskubre ng “Mouse” na gamit natin sa komputer ngayun, ngunit hindi po, ang kompanyang Xerox ang nakatuklas ng teknolohiyang ito.
Pag iyong panonoorin ang pelikula, makikita mo kung gano kahigpit ang labanan noong ang komputer ay gawa pa lang sa kahoy. Ngunit makaraan ang halos tatlongpung taon, daig pa nila ang magsyota kung magkasundo. Di na nila kailangan ng bolahan para makakuha ng teknolohiya sa bawat isa. Isa pang inobasyon dito ay ang pagiging compatible ng MS Office sa MAC OS na noong unang panahon ay akala naming imposibleng mangyari.






