Archive for September 4th, 2008

04
Sep
08

Sweldo

Sa iba ang ibig sabihin nito ay a-kinse o katapusan na ng buwan. Ngunit sa saming mga taga-kol senter ito ay una at ikatlong linggo ng buwan.

Ano ng ba ang sweldo, pano nga ba nasusukat ang sweldo ayon sa kakayahan ng isang tao. Hindi lahat ng nagtatrabaho ay may kapalit na sweldo. Maaring ang isang tao ay nagtatrabaho kapalit ang pag-aaral, pagtuloy sa bahay o kaya naman ay dahil sa minana nya pa ang utang ng magulang nya kaya sya naging kasam-bahay.

Mabalik tayo kung pano nasusukat ang sweldo? Ang sweldo ay base sa oras na tinarabaho mo sa loob ng isang araw. Kung kalahating araw ka lang pumasok kalahati lang din ang sweldo. Kamakailan lumutang ang balita ukol sa pagtataas ng sweldo ng presidente. Nung ako’y nasa kolehiyo pa aking nagpag-aralan na P200,000 lang naman ang sweldo ng isang presidente ng Pilipinas. Wala pa dun ang pagnanakaw nya. Kung iyong iisipin makatarungan ba ito?

Sa aking pagkaka-alam, sa Amerika mas mahal ang magbanat ng buto gaya ng mga pahinante at mga piyon (piyon-taga halo ng semento sa konstraksyon) kesa umupo sa mesa na may MAC computer at mag-chat maghapon. Sa Pilipinas pag naghalo ka ng semento mahal pa ang pagkain mo sa araw-araw kesa sa sweldo mo. 

Bukas ay darating na ang bunga ng pinaghirapan ko sa nakaraang 12 araw. Sana lang ay gaya pa rin ng dati na nakakaluwag sa aming araw-araw na pangangailangan gaya ng pambili ng PSP. :)