02
Sep
08

Malaking Pagbabago

Sa loob ng isa’t kalahating buwang pag ba blog ko gamit ang salitang banyaga at pag tambay sa blog na gamit ang salitang pilipino, doon ko napag isip-isip na bakit di ko na lang baguhin ang blog ko at maging makabayan. hehe. Nag umpisa ang asawa ko sa kanyang blog sa salitang pilipino. At talagang napag-isipan namin na makisali sa bandwagon.

Simula Setyembre ng taong ito uumpisan ko ng magsulat ng blog ko sa salitang pilipino, marahil tinamad na akong magsalita ng ingles sapagkat limang araw sa isang linggo ay ingles ang pangunahing lenguahe ko sapagkat natatrabaho ako sa kol senter.

Napansin din namin na di porke’t blog ang tawag sa ginagawa namin ay dapat ingles ang laman o sasabihin mo. Ng nakilala ko ang blog ni Badoodles sa tulong ni Maru, napaisip ako at nabigla na madami pala talagang tagalog na blog. Kasi nung nag umpisa akong mag blog noon mga apat taon na lumilupas medyo konti lng ang blog na nakilala ko na tagalog halos lahat ay ingles.

Ganun pa rin naman ang gagawin ko sa blog ko, tuloy pa rin ang kwento ng buhay at komento sa bagay bagay gaya ng larangan ng teknolohiya. Andyan pa rin ang kategorya ko na sunod na tigil. Sa malaking pagbabago na ito sanay marami ng tumambay sa blog ko. parang awa nyo na po, Huhuhu..

Sa mga napadaan, kahit ayaw mag komento maraming salamat makita ko lng na tumaas ang tagabilang ko ng statistiko at masaya na ako. Asahan nyo ang walang sawang pagtambay ko sa blog nyo.


0 Responses to “Malaking Pagbabago”



  1. No Comments Yet

Leave a Reply