Archive for September, 2008

25
Sep
08

Baligtad/Baliktad na Mundo

Nung isang araw habang papasok ako sa trabaho naisip ko kung ano nga ba ang tamang ispeling ng Titulo ko sa taas. Baligtad o Baliktad? Bakit ko naisip? Isipin mo na lang tumanda na ako ng 28 taon ngunit ngayun ko lang napagisip-isip na di ko pala talaga alam ang tamang ispeling ng titulo ko sa taas. Ano sa palagay mo?

Umpisan ko na ang topic ko ngayun. Sa aking palagay ay di mo kayang baliktarin/baligtadin ang mundo. Bakit ko nasabi? Una, Kahit anong gawin kong tulog sa umaga (dahil panggabi ang trabaho ko) ay di ko pa rin masabi na nakatulog ako, iba pa rin talaga ang tulog sa gabi. Pangalawa, Pag pinanganak ka ng lalaki o babae ay di mo na pedeng baliktarin/baligtadin yun, kahit magpalit ka pa ng kasarian ay sa mata ng tao at Diyos ay lalaki o babae ka pa rin.

Ginagamit natin ang salitang ito halimbawa, 1. Binaliktad/binaligtad mo ang mga sinabi mo. 2. Bumaliktad/Bumaligtad yung kakampi natin. Maari nating iasosiyate ang sailtang ito sa negatibong pananalita. Kung kaya’t pag sinabing binaliktad/bumalidtad/ isa kang taksil,sinungalin,balimbing,bakla at tomboy.

Kaya’t isang paalala kung gagamit ng salitang ito meron naman tayong alternatibong paraang. Pede mong gamiting ang salitang Nagpalit,Binago,Iniba,Lumipat,Bakla. Kaya’t imbes na sabihing 1. “Binaliktad ko na ang Brief ko ay maaari mo ng sabihing “Nagpalit na ako ng brief”. 2. “Bumaliktad na ako ng bahay – Lumipat na ako ng bahay.” 3. “Binaliktad ko yung kulay ng oto ko – Pinalitan ko yung kulay ng oto ko.” 4. “Binaklitad ko yung usapan – Iniba ko yung usapan.” 5. “Baliktad ang iyong kasarian – in short Bakla ka.”

Ilan lamang yan sa mga alternatibong paraan upang ang negatibing salita ay magawa nating positibo. KungĀ  binabasa mo pa ang salitang ito nawa’y naliwanagan ko ang iyong kaisipan sapagkat ako’y hindi. hehehe!

Sensya na sa walang kwenta kong topic.